NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labing-anim na karton ng mga diumano’y iligal na sigarilyo at tatlong ‘bundles’ ng pinatuyong dahon ng tabako sa Lungsod ng Cebu, nitong ika-28 ng Hunyo.
Ayon sa ulat ng ahensya, dakong 12:45 nang tanghali ng makatanggap ng impormasyon ang Coast Guard Sub-Station Tinagao hinggil sa ‘illegally transported cigarettes’ sa Pier 5 ng Lungsod.
Photo//Coast District Central Visayas
Agarang nagsagawa inspeksyon ang ahensya na kung saan tumambad sa mga ito ang kalakal na naka-label bilang “footwear”.
Sa ngayon, ang mga nakumpiskang kalakal ay nasa kustodiya ng Bureau of Customs (BOC) para sa tamang disposisyon.