PHOTO || JOHN SHERWIN FELIX

PUERTO PRINCESA CITY — Ibinahagi ni John Sherwin Felix o kilalang Lokalpedia ang kaniyang unang naging karanasan sa Palawan kung saan itinampok nito ang sikat na prutas na “maraitum”, isang uri ng ‘wild species’ ng rambutan na ‘native’ sa nabanggit na lalawigan.

Ang Nephelium ay isang genus (mula sa salitang Latin) o isang kategorya ng taksonomiya na ginagamit sa klasipikasyong pambiyolohiya ng mga organismong buhay na magkahalintulad na maaaring iklasipay o hatiin sa kani-kanilang subordinate kinds. Ito ay mayroong dalawampu’t limang (25) uri na kabilang sa family Sapindaceae na matatagpuan sa mga bansang sakop ng Timog-silangang Asya.

Ang maraitum (Nephelium sp.) ay kabilang sa pamilya o uri ng rambutan na kulay itim ang mga balat, at matamis kumpara sa lagwan o bulala o tuklap na matamis-tamis at maasim-asim.

Ani Felix, ito ang isa mga ‘wonderful species’ ng lalawigan ng Palawan kaya panawagan niya na protektahan ang kagubatan ng ‘last frontier’ ng bansang Pilipinas.

“This is just one of the many wonderful species of Palawan. Let’s protect them by protecting the forests of the last [frontier] of the Philippines. We need your voice for Save Palawan Movement!” ani Felix.

Sa mga nais malaman ang iba’t ibang prutas, pagkaing ‘Pinoy, sangkap, at iba pa, maaari ninyong i-follow ang kaniyang Official Facebook page na Lokalpedia.

“Also please follow my page Lokalpedia for food heritage and biodiversity content,” dagdag ni Felix.

Author