PUERTO PRINCESA CITY – Dead-on-the-spot ang sikat na Pinoy Reggae Artist at Voice Season 2 Finalist na si Juan Manuel Ubaldo o mas kilalang Kokoi Baldo matapos maaksidente sa Circumferental Raod, Bgy. Mandalagan, Bacolod City, bandang 1:30 nang madaling araw, Biyernes, Disyembre 8.
(Kuhang larawan / Kokoi Baldo Official Facebook page)
Ayon sa mga saksi, mag-o-overtake sana Ubaldo sa 10-wheeler truck na may lulang mga tubo ngunit nadulas umano ang minamanehong motorsiklo nito na dahilan upang masagasaan ito.
Si Kokoi Baldo ay sikat na mang-aawit mula Bacolod at kilalang Pinoy Legendary Reggae Singer. | via Marie F. Fulgarinas