Photo courtesy | PINES FM

Ni Ferds Cuario

PUERTO PRINCESA CITY — Magsasagawa ng Groundbreaking Ceremony ngayong araw, Huwebes, Hulyo 18, ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Bataraza, Palawan, para sa proyektong Smart City na proyekto ng Malaysian based Construction at Developer na JJC Group Development Asia SDN. BHD.

Matatandaan, nitong buwan ng Hunyo, nilagdaan ang kasunduan sa pagitan ng Local Government Unit (LGU) at Malaysian Construction company sa pagpapatayo ng Smart City sa lugar na may pondong $8 bilyon o mahigit P400 Bilyon.

Kasama sa plano ang pagtayo ng mga housing building, airports, shopping malls, 5 units ng Five Star Hotels, Cable Car system, stadium, convention centre, Formula One race track at marami pang iba. Nasa 2000 ektarya ang lupang pagtayayuan na magsisimula sa Brgy. Inogbong, at sa iba pang bahagi ng bayan ng Bataraza.

Ayon kay Municipal Mayor Abraham Ibba, malaking tulong ito sa kanyang bayan, maliban sa kita sa buwis ay marami ang magkakaroon ng trabaho. Wala rin aniyang ilalabas na pera ang munisipyo. Tulong sa pagproseso ng mga legal na papeles para sa iba’t ibang permit ang kanilang ambag sa maituturing na kauna-unahang Smart City project sa Palawan at sa boung Pilipinas.

Author