PHOTO | FACEBOOK/PALAWAN PCADU

Ni Clea Faye G. Cahayag

SA isinagawang command visit ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin C. Acorda Jr. sa Palawan Police Provincial Office, Camp Higinio Acosta Mendoza Sr. sa barangay Tiniguiban lungsod ng Puerto Princesa nitong ika-25 ng Agosto, may paalala ang hepe sa hanay ng mga kapulisan para sa nalalapit na Barangay and Sanggunian Kabataan Election (BSKE) 2023.

Aniya, ang eleksyon ay hindi lamang isang civic duty, ito ay isa rin mahalagang bahagi ng demokrasya.

“First, I would like to take this opportunity to remind each and everyone about the upcoming barangay election. This election is not just the civic duty – they are the vital part of our democracy allowing the voices of the community to be heard,” ang bahagi ng pambungad na pananalita ng opisyal.

Bilang miyembro ng PNP, responsibilidad ng kapulisan na tiyakin ang kaligtasan, seguridad at integridad ng eleksyon. Kaugnay nito, hinikayat nito ang bawat isa na panatilihin ang “professionalism at neutrality” sa buong panahon ng halalan.

“Let’s us continue to serve pillars of trust, upholding the principles of fairness and justice throughout the election period. A midst our daily commitment and responsibilities, let us not lose sight of the significance of this event. Our actions and vigilance during election season can have a lasting impact to our communities and our nation. Let’s approach the upcoming election with the same determination and unity that have always define our force,” dagdag pa ng hepe ng pulisya.

Ayon pa kay Acorda, naniniwala siya na sa kabila ng mga hamon na kinakaharap sa araw-araw na paglilingkod bilang mga tagapagpatupad ng batas, ang kapulisan ay mananatiling matibay at disiplinado sa pagtataguyod ng kanilang misyon sa halalan.