Ni Marie F. Fulgarinas
LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Magagamit ng mga mamamayan ng Barangay Poblacion ang ‘newly constructed’ Barangay Health Station (BHS) ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan o Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Martes, Pebrero 20.
Sa ulat ng Lokal na Pamahalaan ng Taytay, matagumpay ang turnover ceremony, pagbili ng mga medical equipment, at paglalagay ng iba pang amenities sa gusali na magagamit ng mga residente sa lugar.
Sa tulang ng social arm ng DSWD sa pamamagitan ng National Community Driven Development Program (NCDDP) – Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDDS) katuwang ang Barangay Local Government ng Poblacion at lokal na pamahalaan ng bayan ng Taytay, Palawan, naisakatuparan ang proyekto na makatutulong sa mga residente pagdating sa kanilang kalusugan.
“Celebrating a successful project turnover in Barangay Poblacion, Taytay, Palawan! Kudos to the DSWD-NCDDP-KALAHI CIDDS, Barangay Local Government led by PB Neneng Rodriguez, and the Municipal Government of Taytay, Palawan, led by Hon. Christian V. Rodriguez. Another milestone in public service achieved,” pahayag ng LGU Taytay.
Layunin ng proyekto na matulungan ang mamamayan sa lugar sa pamamagitan ng bagong tayong istasyon ng kalusugang pambarangay na kung saan ‘readily available’ na ang mga kagamitan gaya ng oxygen tanks, higaan, generator, at iba pag medical equipment.