Itinalaga na bilang opisyal at bagong Public Information Officer ng Puerto Princesa City Police Office si Police Captain Bryan Rayoso simula ngayong araw, Lunes, Setyembre 1.
Pangungunahan ni Rayoso ang anumang related media relations activity, information dissemination, at communication strategies ng istasyon.
Pinalitan ni Rayoso si Police Captain Victoria Carmen C. Iquin nang magretiro ito sa serbisyo nitong nakalipas na Agosto.
Bago maitalaga si Rayoso bilang public information officer, nagsilbi namang kahalili ni Iquin si Police Lieutenant (PLT) Rhoda P. Mendoza.