PUERTO PRINCESA CITY – NAGSAGAWA ng post-monitoring activity sa mga pinalaya na Persons Deprived of Liberty o Released PDLs ang Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) nitong Mayo 13, 2024.
Ang aktibidad na isinagawa sa Barangay Candawaga, Rizal, Palawan
ay naglalayong suriin ang katayuan ng mga layang PDL sa kanilang muling pagbalik sa malayang lipunan at upang masuri ang pagiging epektibo ng mga programang ipinagkaloob sa mga kliyente ng PDL.
Ayon sa Bureau of Corrections, nagsagawa ng home visitation sa walong (8) RPDLs ang EAS Program Officers sa pangunguna ni CSO1 Jared V Dacanay upang makapagbalangkas, mag-istratehiya, at magpatupad ng mga karagdagang programa sa mga PDL na malapit nang lumaya.
Samantala, ang Director General ng BuCor na si Gregorio Pio Catapang Jr., sa pamamagitan ni IPPF Superintendent Gary A. Garcia, ay tinitiyak na ang mga programa sa muling pagsasama para sa mga PDL ay mabisang isinasagawa para sa higit na kalidad ng serbisyo sa pagwawasto.