Ni Ven Marck Botin
Sumailalim sa Livestock, Poultry Seminar and forum na may kaugnayan sa African Swine Fever (ASF) at Bird Flu ang mahigit isandaan at limampung (150) mga lokal hog at poultry raisers mula sa mga bayan ng Narra, Sofronio Española, at Brooke’s Point, nitong ika-20 hanggang ika-21 ng Setyembre na ginanap sa mga nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat ng Provincial Information Office, ang pagsasanay ay pinangunahan ni Provincial Veterinarian Dr. Darius P. Mangcucang katuwang ang Zoetis Philippines, Inc., na ang layunin ay paigtingin ang pagsugpo sa paglaganap ng ASF at iba pang sakit na may kinalaman sa industriya ng poltri at pagbababuyan sa lalawigan ng Palawan.
Layon din ng program na pataasin ang antas ng kaalaman ng mga nag-aalaga ng baboy at manok na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na operasyon.