PALAWAN, Philippines — Labinwalong (18) magsing-irog ang nagpalitan ng matamis na “oo” sa mass wedding na inorganisa ng Puerto Princesa City Police Office o PPCPO na pinamumunuan ni Police Coronel Ronie S. Bacuel.
Ang libreng kasal ay isinagawa sa PPCPO, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City nito lamang araw ng Biyernes, ika-24 ng Mayo.
Ito ay inisyatibo ng PPCPO sa ilalim ng proyektong Go for Wedding Now o G.O.W.N, sa pamamagitan nito nabigyan ng pagkakataon ang 18 magkasintahan na gawing ligal ang kanilang pagsasama.
“The activity aims to legitimize the union and strengthen the bond of couples to instill that marriage is a sacred rite of passage for Christians,” ayon sa PPCPO.
Ang 18 pares ay binubuo ng apat (4) na magsing-irog mula sa hanay ng kapulisan, 1 pares na former rebel (FR) at 13 couples mula sa iba’t ibang barangay sa Puerto Princesa.
Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan katuwang ang Officer Ladies Club (OLC), Barangay Officials ng Brgy.Mandaragat, lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa at KASIMBAYANAN.
Mga piling PNP personnel, mga opisyales ng barangay Mandaragat at iba pang stakeholders ang nagsilbi namang Principal Sponsors ng mga bagong kasal.