Photo courtesy | PIO- Palawan

PUERTO PRINCESA CITY — Malugod na tinanggap ng mga school heads sa bayan ng Coron, Palawan, ang nasa walumpu’t isang (81) printers na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panalalawigan ng Palawan sa pangunguna ni Atty. Christian Jay V. Cojamco, Provincial Information Officer, nitong ika-13 ng Oktubre 2023, na ginanap sa Municipal Coliseum ng nabanggit na bayan .

Brand HP Smart Tank 615 Wireless All-in-One Printers ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Special Education Fund (SEF)- Funded Printers.

Ang mga devices ay mula sa kabuuang bilang na 1,611 printers na pinondohan ng Administrasyong Socrates. Ilan sa mga ito una nang naipamahagi sa iba’t ibang bayan ng Palawan.

Ayon sa Provincial Information Office, ang pamamahagi ng printers ay layong makatulong sa pag-unlad ng antas ng edukasyon sa buong lalawigan.

Samantala, dumalo sa isinagawang turn-over ceremony ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Coron na kinabibilangan nina Mayor Mario T. Reyes, Jr.; Vice Mayor Asian Palanca; Sangguniang Bayan Members Michael G. Sadhwani at Jojo Rodriguez.