PUERTO PRINCESA β Tumungo kamakailan sa nabanggit na bayan ang ilang kawani ng Provincial Cooperative Development Office o PCDO Palawan sa pangunguna ni Cooperative Development Specialist at Provincial Cooperative Coordinator (PCC) Lany Liao upang isulong sa mga cooperatives ang mga pagbabago at suporta ng lokal na pamahalaan.
Pilot project ng pamahalaang panlalawigan na linangin ang kooperatiba sa pamamagitan ng digitalization at profiling ng lahat ng rehistradong kooperatiba sa Palawan partikular sa bayan ng Aborlan gaya nang Apurawan Culandanum Kaanib Producers Cooperative, Apurawan Agrarian Reform MPC, at Buhay Producers Cooperative.
Ayon sa ahensya, ngayong buwan ng Nobyembre nila isinasagawa ang pangangalap ng impormasyon ng kanilang tanggapan gayundin ang Municipal Cooperative Development Officers sa bawat munisipalidad para sa digitalization at profiling system.
Anila, ang pagbisita ng team ay dapat sumaklaw sa mga datos na makakalap at maiaambag sa kumpletong profile ng bawat kooperatiba.
Katuwang ni Ms. Liao sa pagbisita ang mga kawani ng MCDO na sina Ms. Nora Castro Favila at Ms. Elizabeth Dimafelis sa pangunguna nina Mayor Jaime Ortega at Ms. Janeth Ortega-Juanillo, SAA III.
“Gusto kong magpasalamat sa lahat ng kooperatiba sa munisipyo ng aborlan sa pag-cooperate sa ginagawang profiling ng PCDO lalo na sa suporta na ibinigay ni Mayor Jaime Ortega at Janeth Ortega Juanillo at dalawang masisipag na MCDO staff na sina Nora Castro Favila at Maribeth Demafelis,”ani Liao.
βAng lahat naman ay nagsisikap para lalong mapaunlad ang kanilang mga kooperatiba, naging matagumpay naman ginawa naming profiling kaya nagpapasalamat ako,β dagdag ng opisyal.
Samantala, ang PCDO Palawan at ang mga MCDO ay nagpapakita ng pangako na magbigay ng mas mahusay na serbisyo sa datos at impormasyon, mga ugnayan sa mga pinagmulang organisasyon, sa pagtiyak na ang kanilang mga serbisyo ay tumutugon sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.