Photo courtesy | PIO-Palawan
Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY – Sumailalim sa ika-apat na kwarter ng consultative meeting ang mga Municipal Agriculturists at Veterinarians mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Palawan nitong Disyembre 7 sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusaling Kapitolyo na pinangasiwaan ng tanggapan ng Provincial Veterinary (ProVet) Office ng Pamahalaang Panlalawigan.
Tinalakay sa pagpupulong ang naging accomplishments ng mga programang Rabies Eradication Program, Herd Health and Genetics Improvement Program, at Disease Prevention and Disease Monitoring Program gayundin ang susunod pang mga nakalinyang programa at hakbang na isasakatuparan para sa darating na taong 2024.
Tinalakay rin ang patuloy na monitoring at surveillance ng ProVet sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan katuwang ang mga Barangay Biosecurity Officers, Local Government Unit’s (LGU) Veterinarians at Agriculturists upang masigurong ligtas ang Palawan sa mga sakit ng hayop gaya ng African Swine Fever (ASF), Foot and Mouth Disease (FMD), at Bird Flu o Avian Influenza gayundin ang pagbibigay serbisyo para sa mga alagang hayop ng mga mamamayang Palaweño.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Provincial Veterinary Office Officer-in-Charge (OIC) Dr. Darius P. Mangcucang.