
Photo courtesy: Facebook/Mayor Gerandy Danao
Patuloy na pinalalawak ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Narra, Palawan, ang mga serbisyong panlipunan partikular ang pagpapaunlad ng sektor ng kalusugan.
Kamakailan, dumating ang dalawang yunit ng ambulansiya na opisyal nang magagamit ng mga nangangailangang residente tuwing may emerhensiya.
Ayon kay Municipal Mayor Gerandy Danao, nasa pangangalaga na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang ambulansya na gagamitin sa health transportation ng nabanggit na bayan.
“Naisakatuparan po natin ito dahil [na rin] sa pagsusumikap at pagpupursige ng Pamahalaang Lokal na madagdagan ang mga sasakyan para matugunan ang pangangailangan ng mamamayan pagdating sa transportasyon,” ayon sa alkalde.
Nangako naman si Danao na lalo nilang pagsusumikapan na matugunan ang mga pangangailangan ng taumbayan para sa iba’t ibang sektor ng lipunan.