Photo courtesy | ProVet

Masusing sinusuri ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga point of entries ng Palawan upang matiyak na walang makakapasok na karneng baboy o anumang pork related products mula sa mga probinsya na may naitalang kaso ng African Swine Fever (ASF) ngayong papalapit na kapaskuhan at bagong taon.

Panawagan ng ProVet sa publiko na mula sa ibang probinsiya at uuwi sa lalawigan na huwag magdala ng mga pork products at huwag din tangkilikin ang mga online selling gaya ng ham at bacon dahil hindi tiyak ang kaligtasan ng karne.

Ayon kay Dr. Darius Mangcucang ng Provincial Veterinarian Office, mahigpit ang ginagawa nilang pagbabantay sa bawat entry points ng Palawan upang hindi malusutan ng pinangangambahang sakit ng mga baboy na posibleng makakaapekto sa hog industry ng lalawigan.

Sa kasalukuyan, nananatiling ASF-Free ang lalawigan ng Palawan at Lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon pa sa ulat, mayroong pang sapat na suplay ng karne at iba pang produkto sa merkado para sa buong lalawigan.

Author