Photo courtesy | DPWH Mimaropa

HANDA ng magbigay ng serbisyo sa mga residente ng Barangay Antipuluan sa bayan ng Narra, Palawan, ang bagong gawang multi-purpose building.

Batay sa impormasyon mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Mimaropa, natapos na ng DPWH Palawan 2nd District Engineering Office ang konstruksyon ng gusali na lubos na makakatulong upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa lugar.

Sa ulat ni Palawan 2nd District Engineer Noel L. Fuentebella, ang proyekto ay may sukat na 10.00m x 20.00m at may entrance porch na 3.00m x 5.00m.

Ito ay mayroong dalawang opisina, record office, stock room, palikuran, living quarters, three-chamber septic vault at dalawang solar-powered post lights na dinisenyo para sa iba’t ibang community functions at administrative activities.

“The newly build structure serves as a vital infrastructure asset for the community, providing space for administrative operations, community events, and essential services.

The inclusion of solar lighting and modern design features enhances the building’s sustainability and usability, contributing to the improvement of local governance and community welfare in Barangay Antipuluan,” paliwanag ng DPWH Mimaropa.