PHOTO | PIO-PALAWAN

Ni Ven Marck Botin

MAGAGAMIT na ng mga mamamayan ng bayan ng Rizal, Palawan, ang karagdagang dalawang (2) Solar Deepwell Water System Projects ng Pamahalaang Panlalawigan sa Brgy. Campong-Ulay at Brgy. Panalingaan.

Ayon sa ulat ng Provincial Information Office ng Pamahalaang Panlalawigan, opisyal ng pinasinayaan ang proyekto sa pangunguna ni Rev. Fr. Joseph Ngo Van Ha, SVD, ngayong araw ng Huwebes, ika-17 ng Agosto, na dinaluhan naman ng mga opisyales at kawani ng pamahalaan, at mga residente ng lugar.

Anila, ang proyekto ay pinangangasiwaan ng Provincial Economic Enterprise Development Office (PEEDO)na inaasahang maghahatid ng ligtas at malinis na inuming tubig sa mga mamamayan sa lugar bilang solusyon sa kakulangan ng suplay ng malinis na inuming tubig sa mga barangay na nabanggit.

Sa ngayon, mayroon ng pitumpu’t dalawang (72) water supply system projects ang naitayo sa buong lalawigan ng Palawan kung saan walo ( rito ay matatagpuan sa bayan ng Rizal na kinabibilangan ng mga barangay ng Magtayob, Panalingaan, Latud, Taburi, Canipaan, Candawaga, Campong-Ulay, at Punta Baja Water System.

Layun ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng malinis at maayos na inuming tubig ang mga mamamayang Palaweno sa pamamagitan ng pagtatayo ng water projects sa mga lugar na hirap sa suplay ng tubig.