Photo courtesy | Palawan State University

Ni Marie Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Certified Public Accountants (CPAs) na ang labintatlong (13) Accountancy graduates ng College of Business and Accountancy (CBA) mula sa Palawan State University (PSU), batay sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong ika-6 ng Oktubre, ngayong taon.

Sa Facebook post, kinumpirma ng PSU na labintatlo (13) mula sa labing-siyam (19) na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa sa katatapos lang na 2023 September-October Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE) na kung saan ay nakapagtala ng 31.37 national passing rate.

Ayon pa sa unibersidad, lima (5) rito ay mula sa pitong (7) first–time takers habang walo (8) naman mula sa labindalawang(12) re-takers ang pumasa sa katatapos lang na pagsusulit.

Kaugnay rito, ang ‘newly-Certified Public Accountants’ mula sa PSU ay binubuo nina ADENIG, Loren Joyce G.; BUCAD, Karen A.; CORDERO, Jan A.; FAMISAN, Jan Leonard F.; FELIPE, Arjay S.; FORMILOZA, Mary Christine; LLADO, Geranz A.; MORGIA, Aira May T.; PABLICO, Rhea Joyce B.; PILARMEO, Shiela May V.; REGALADO, Jeric Ryan A.; SALUDEZ, Joshua Emanuele C.; TUCAY, Jobert J.

Author