Photo courtesy | PSWDO

Ikinasa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang limang araw na Training of Trainers for Yakap Bayan Multi-Disciplinary Team na dinaluhan ng mga Yakap Bayan MDT na mula sa Munisipyo ng Taytay, Roxas, El Nido, at bayan ng San Vicente nitong Nobyembre 4 hanggang ika-8 ng buwan na ginanap sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ang layunin ng programa ay bigyang kahalagahan ang Multi-Dimensional Reintegration Tool o MDRT na nagpapatibay sa kamalayang sosyal, sikolohikal politikal, ekonomikal, at pagiging mabuting mamamayan.

Kalakip din nito ang Yakap Bayan Program na ipinapatupad sa ilalim ng After-Care Program ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Samantala, nakiisa naman at nagbigay ng kanilang suporta ang Municipal Social Welfare and Development Offices, Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) Focal, Municipal Health Offices, Philippine national Police (PNP) at Civil Society Organization sa naturang programa.

Author