Photo courtesy |

Repetek News

‘Kapabayaan’, ang nakikitang pinakadahilan sa mga nangyaring sunog sa lungsod ng Puerto Princesa, ayon sa tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ito ang kinumpirma ng opisyal sa isinasagawang Kapihan sa SM na inorganisa ng Philippine Information Agency (PIA)- Palawan ngayong araw ng Martes, Disyembre 17.

Sa ibinahaging datos ni SFO1 Eugene Paul Manuel ng BFP Puerto Princesa, ang lungsod ay nakapagtala ng 76 consolidated fire incidents bago magtapos ang taong 2024.

Sa unang kwarter ng taon, aabot sa 110 milyong piso ang naitalang pinsala ng mga ari-arian na tinupok ng apoy at ngayong ikalawang kwarter ay mayroong P1.5 milyon.

Sa ikatlong kwarter ng taon tinatayang P5.6-M naman ang naitalang danyos ng mga nangyaring sunog at ngayong huling kwarter ng taon mayroon nang naitalang P3.4-M.

Aniya pa, sa kabuuang 76 na nangyaring sunog, 39 rito ang residential, 11 ang residential, habang 22 ang non-structural, at 4 sa transport.

Ayon naman kay SFO4 Alex Calangi ng BFP Palawan wala namang naitalang major fire incidents sa mga munisipyo ng Palawan.