(Kuhang larawan/ Palawan Council for Sustainable Development and Staff)
PUERTO PRINCESA CITY — Nagsagawa ng public consultation ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan (PGP) sa Barangay Salvacion, Busuanga, Palawan, nitong ika-27 ng Oktubre, na naglalayong maipakita at suriin ang mga pangunahing hakbangin ng proyekto para sa pag-unlad hindi lamang ng Calamianes Group of Islands kundi pati na rin ng buong lalawigan.
Nilahukan ito ng iba’t ibang department heads mula sa mga bayan ng Coron, Culion, Busuanga at Linapacan na kung saan kasama ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) District Management Division (DMD)-Calamian ang usapin ukol sa Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP).
Ayon sa PCSD, isasakatuparan umano ang mga proyekto sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbangin sa pagpapaunlad sa settlement, produksyon, imprastraktura, at pangkalahatang pag-unlad.