Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY – Inanunsiyo ng Tourism Infrastracture and Enterprise Zone Authority’s (TIEZA) San Vicente Flagship Tourism Enterprise Zone (SVFTEZ) na magsasagawa ang tanggapan ng public consultation hinggil sa gagawing ‘Draft Rules for Cease and Desist Orders (CDOs) affecting non-conforming tourism enterprises’ sa darating na araw ng Lunes hanggang Biyernes, ika-15 hanggang ika-19 ngayong buwan ng Enero.

Inaanyayahan ng tanggapan ang lahat ng ‘concerned’ organizations, stakeholders, at iba pang interesadong partido na makilahok sa gagawing public consultation sa nabanggit na usapin sa ganap na ala-una (1:00 p.m.) ng hapon.

Sa Enero 15, isasagawa ang konsultasyon sa Poblacion covered gymnasium ng tatlong (3) pinagsamang barangay na kinabibilangan ng Bgy. Kemdeng, Poblacion, at New Agutaya.

Sa Enero 16 naman, magsasama ang dalawang barangay na binubuo ng San Isidro at Alimanguan na gaganapin naman sa Alimanguan Covered Gymnasium.

Sa Enero 17 hanggang ika-19 ng buwan, isasagawa ang konsultasyon ng mga barangay na sumusunod: Port Barton, Sto. Niño, New Canipo, Binga, at Bgy. Caruray.

Sa Port Barton, New Canipo, at Bgy. Caruray Covered Gymnasium nakatakdang isagawa ang nasabing pagpupulong.

Hinihikayat din ng tanggapan ang mga interesadong partido na maaaring i-download ang ‘Draft Rules on the Issuance of Cease and Desist Order’ sa pamamagitan ng link na ito: http://tinyurl.com/DraftRulesOnIssuanceOfCDO.

Dagdag dito, maaari ring magrehistro sa link na ito: http://tinyurl.com/PublicConRegistrationForm.

Author