Photo courtesy | Staryky Timbancaya

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY – Pinag-iingat ni Police Major (P/Maj) Thirz Starky Timbancaya, hepe ng Rizal Municipal Police Station (MPS), ang publiko kaugnay sa babaeng nasa larawan na umano’y ‘big-time scammer, manluluko at magnanakaw,’ na may dala-dalang malaking halaga ng pera’t mga alahas.

Sa Facebook post, nananawagan ang opisyal sa sinumang makakita sa babaeng nasa larawan na agarang ipagbigay-alam sa kaniya.

“[M]agaling at beteranang magnanakaw. Sa makakapagturo, may pabuya po.

“Pinaghahanap po ang [nasa] picture [na ‘yan], big time scammer, [manloloko], at magnanakaw. Huling nakita [sa] area ng [Bgy. Bacungan, Puerto Princesa City]. May dalang malaking halaga ng pera at mga alahas,” pahayag ni Timbancaya.

Kinumpirma rin ng opisyal na may dalang baril umano ang babae kaya’t pinag-iingat nito ang publiko.

Author