Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Pinagkalooban ng complete package ng ‘econocage’ ang mga mangingisda ng Sea Grass Fisherfolk Association ng Barangay Dulangan sa bayan ng Puerto Galera, nitong ika-6 ng Oktubre 2023.

Layunin ng proyekto na palaguin ang industriya ng pagbabangus sa lugar bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga lokal na mangingisda ng Bgy. Dulangan.

“[E]conocage is composed of 4 single stanchions with specifications of 4m x 4m x 4m per stanchion and is said to cost P750,000. Each stanchion would house bangus fingerlings, which normally take 4 to 6 months to harvest,” pahayag ng BFAR Region 4B.

Inihayag din ni Regional Director Emmanuel H. Asis na ang ‘Econocage’ ay makatutulong sa pagkamit ang maayos na paggulong ng puhunan ng mga lokal na mangingisda na kung saan ay magbibigay ng mas magandang ani para sa karagdagang kita ng mga ito.

Dagdag dito, iginawad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 4B sa pamamagitan ng Fisheries Production Support and Services Division at Provincial Fisheries Office ng lalawigan ng Oriental Mindoro katuwang ang lokal na pamahalaan ng Puerto Galera.

Samantala, naroon din sa seremonyas sina Oriental Mindoro 1st District Representative Arnan Panaligan, Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan, Sea Grass Fisherfolk Association President Henry De Leon, Barangay Dulangan Captain Neopito Babao, Municipal Agriculturist Heidee Aparato, at ibang kinatawan ng lokal na pamahalaan. 

Author