PALAWAN, Philippines — KINUMPIRMA ni CAAP Puerto Princesa Area Manager Mohammad Naga S. Rascal na kasama ang Puerto Princesa City International Airport sa mabibigyan ng pondo sa ilalim ng National Budget 2024 para sa modernization at expansion ng mga paliparan sa bansa.
“There are airports as per submitted by the Department of Transportation (DOTr), mayroon tayo doon Puerto Princesa City. Hindi ako makapagsabi ng detalye kasi may mga partial doon 70 million, 280 million, 570 million..may 8 million hindi ko masabi [kung magkano],” ang sagot ni Rascal sa panayam ng lokal na midya sa Palawan.
Ang pondo ay manggagaling sa 2024 Aviation Transport Infrastructure Program ng pamahalaang nasyunal.
Dagdag pa ni Rascal, ang pondo ay ilalaan para sa renovation ng paliparan at pagbili ng mga equipment para mas mapabuti pa ang pagbibigay serbisyo ng CAAP Puerto Princesa.
Batay naman sa impormasyon mula sa DOTr, P14 bilyon ang ilalaan ng transport agency para sa pagdebelop at pagmodernize ng mga regional airports sa buong Pilipinas.
Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sa ilalim ng pondong ito kabilang ang Puerto Princesa International Airport kung saan ito ay isasailalim sa Public- Private Partnership (PPP).
“…the allocation is for the improvement projects for Catbalogan, Tacloban, Laoag, Puerto Princesa, Kalibo, Iloilo, nd 16 airports nationwide. Airports in Bohol, Siargao, Bacolod-Silay, Kalibo, Puerto Princesa, Davao, and Iloilo will be developed under the PPP arrangement,” ang bahagi ng pahayag ni Sec. Bautista.