NAKIISA ang Puerto Princesa City Green Justice Zone o PPCGJZ sa isinagawang Annual International Earth Day na may temang “Planet vs. Plastics” nitong Lunes, Abril 22, na ginanap sa NCCC Mall Palawan.
Sa panayam ng
Repetek News
kay Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 2 Judge Rohima R. Sarra, inihayag ng hukom na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakiisa ang konseho ng PPCGJZ sa taunang pagdiriwang ng kahalagahan ng pangangalaga ng mundo.Ayon pa kay Sarra, inilatag sa kaganapan ang mga topikong ‘single-use plastic’ at mga aksiyon na nagpapaigting sa mga kampanya kontra plastics upang tuluyang matuldukan ang mga suliranin dulot ng pagtaas ng datos ng plastic pollution sa kapaligiran.
Aniya, layunin ng kaganapan na “to inform and educate the general public” hinggil sa pagsunod sa mga ordinansang may kinalaman sa pangangalaga ng mundo at matinding epekto ng pagdami ng mga sa ating kapaligiram partikular sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Dagdag dito, ibinahagi rin ni Sarra na nabuo ang Puerto Princesa City Green Justice Zone noong nakaraang Nobyembre 2023 sa pamamagitan ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC sa ilalim ng joint coordination ng Supreme Court of the Philippines, Department of Justice, at Department of Interior and Local Government, upang magkaroon ng ‘efficient’ at mas mabilis na pagtalakay sa mga usaping may kinalaman sa environmental protection at natural resource management sa loob ng kanilang hurisdiksyon na kung saan ay naglalayong tugunan ang pagbabago ng klima at pagkasira ng kapaligiran, at higit sa lahat, tuldukan ang pagtaas ng environmental crimes sa lungsod ng Puerto Princesa.
Sa panayam naman ng
Repetek News
sa isa sa mga attendees na si Claire Althea Parroco, estudyante ng Palawan National School, layunin ng kampanya na “to raise awareness about the rapid expansion of plastic pollution affecting Earth and us people and focused on the importance of Earth Day”.Aniya, bawat keynote speakers ay nagbigay ng kani-kanilang inspirational messages “to encourage everyone how important it is to participate [in] such environmentally-friendly activities, especially us youths as agents of positive change”.
Sa magkahiwalay na programa ng kaparehong petsa at venue, inilatag ang mga topikong may kinalaman sa environmental and water resources awareness, environmental protection, at iba pa, na inihandog ng City Youth Development Office at pamunuan ng Puerto Princesa City Water District.S
amantala, naisakatuparan ang Annual International Earth Day celebration sa pangunguna ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa at pakikipagtulungan ng pamunuan ng Puerto Princesa City Green Justice Zone (PPCGJZ), City Environment and Natural Resources Office (City ENRO), DENR CENRO, PENRO, at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).Dumalo rito sina MTCC Branch 2 Judge Rohima R. Sarra, PPCGJZ Vice-Convenor, at Atty Princes Vergara Umali, secretariat, PCSD Spokesperson Jovic Fabello, Atty. Carlo Gomez ng City ENRO, DENR CENRO Alexander Mancio, PENRO Felizardo Cayatoc, at iba pang kawani at opisyal ng mga nabanggit na ahensya ng pamahalaan.via Ven Marck Botin / REPETEK, Ang Diyaryo ng PilipinoPhotos: PPCGJZ