Ni Clea Faye G. Cahayag
LUMAGDA na sa isang Memorandum of Agreement (MOA) si Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron at Philippine Canoe Kayak Federation President (PCKFP) Leonora Escollante para sa gaganaping International Dragon Boat Festival sa lungsod sa darating na buwan ng Nobyembre.
Ayon kay Escollante, ito na ang ikalawang Puerto Princesa International Dragon Boat Race na isasagawa sa Nobyembre 17 hanggang 19.
Inaasahang 10 hanggang 12 international teams ang makikilahok sa naturang kompetisyon.
“This time were having a second Puerto Princesa International Dragon Boat Festival to be held on November 17 to 19. We are expecting like 10-12 international teams coming over and I hope we will be having also our local dragon boat players. Iba ‘yung category ng locals, iba ‘yung category ng international races. [Mayroon] tayong unang local [boat race nu’ng] 2017 then 2018 nagkaroon tayo ng international [race]. This is our second international race,” ang maikling pahayag ni Escollante matapos ang paglagda sa MOA.
Ayon naman kay Mayor Bayron ang aktibidad na ito ay bahagi ng Sports Tourism Program ng City Government na makatutulong sa turismo ng Puerto Princesa.
Aniya, maliban sa nabanggit na dragon boat race, magkakaroon din ng World Table Tennis Championship sa buwan ng Oktubre at International Ironman Triathlon Race sa buwan pa rin ng Nobyembre.
“Medyo marami -rami ang naka-line up [ na sports activities] na magdadala ng turista para maging vibrant ang ating economy at saka makilala lalo ang Puerto Princesa,” pahayag ng Alkalde.