Bilang paghahanda ng lungsod ng Puerto Princesa na maging isang Meetings, Incentives, Conventions and Exhibitions and Events o MICE Destination, sinanay ng Philippine MICE Academy ang mga stakeholders at staff ng Pamahalaang Panlungsod nitong nakalipas na buwan.
Bilang paghahanda ng lungsod ng Puerto Princesa na maging isang Meetings, Incentives, Conventions and Exhibitions and Events o MICE Destination, sinanay ng Philippine MICE Academy ang mga stakeholders at staff ng Pamahalaang Panlungsod nitong nakalipas na buwan.
Ayon kay Dexter Deyto, Presidente ng Phil. MICE Academy, ang akademya ay isang learning institution na itinatag noong 2010 at ang mga miyembro nito ay pawang mga miyembro rin ng Philippine Association of Convention & Exhibition, Organizers and Suppliers Inc. o PACEOS — ang pinakamalaki at nangungunang MICE Association sa bansa na kinikilala ng Kagawaran ng Turismo o Department of Tourism (DOT).
“Our mission is to continuously upgrade and uplift the standard of the industry as were as our MICE professionals to make them also globally competitive.
That’s why we conduct trainings, we go around and visit different Local Government Units (LGUs) to share our experience and knowledge on the MICE industry,” ani Deyto.
Kumpiyansa naman si Demetrio ‘Toto’ Alvior, City Tourism Officer, na kaya ng lungsod na maging MICE Destination ngunit bago ito kinakailangan munang i-equipped ang mga stakeholders at mga tourism staff para ma-handle ng maayos ang mga darating na malalaking pagtitipon.
“This is one year in the making. This is part of the direction of the city goverment na magiging MICE destinations ang Puerto Princesa City.
‘Yung MICE isa sa tinitignang makakapagbigay ng mabilis na tulong sa ekonomiya. Ang MICE ay six times multiplier. Ibig sabihin, six times [ito roon] sa mga individual tourists na dumadating sa siyudad kaya ito ‘yung maging direksyon ng Puerto Princesa.
Kasi ang gusto ni Mayor (Lucilo) Bayron— Puerto Princesa is not only for sustainable tourism but nandiyan [din ang] MICE. Kaya in preparation tayo, ‘yung technical preparation natin para ang city [r]oon sa mga infrastructure. So pagsama-samahin natin ‘yun para hindi tayo maghahabol para bago tayo mag-engange sa MICE, confident tayo,” paliwanag ni Alvior.
Aniya, ito ang nagtulak sa City Tourism Office para isailalim sa wastong pagsasanay ang mga stakeholder.
“Thank you very much sa Philippine MICE Academy dahil talagang ito po ay start palang. Alam ko tutulungan niyo kami hanggang sa dulo. Ang PPC has a lot of things to offer kaya confident din ako na kaya natin talagang mag-handle ng malalaking event,” dagdag pa ni Alvior.
Batay naman sa assessment ng mga miyembro ng Phil. MICE Academy, umani ng magagandang komento ang siyudad at positibo ang grupo na malaki ang potensyal ng lungsod na maging isang MICE destination.
Humanga si Cynthia Bernabe sa ipinakitang kahandaan ng mga empleyado sa pagtanggap ng mga bisita. Aniya, kaunting pagsasanay na lamang ang kinakailangan ng mga ito para tuluyang mas maging handa sa mga mas malalaking aktibidad.
“Malaki ang pag-asa [ng siyudad] kailangan lang natin ituluy-tuloy ang capacity building [at] training natin, ‘yung knowledge transfer specifically focusing on MICE and ‘yung knowledge in professional management. Sinasabi na nga namin kay Sir [Demetrio Alvior Jr. na rito] na tayo mag-MICE [Conference] in 2026,” komento ni Bernabe.
Parehong pahayag din ang ipinaabot ni Tinette Capistrano, “sa tingin ko handang-handa na ang Puerto Princesa kahit konti pa ang infrastructure n’yo marami pang mai-offer ang Puerto Princesa in other components of MICE tulad ng incentives. Ang kailangan lang po natin isigaw sa buong bayan at buong mundo na nandito si Puerto Princesa at susunod na ang lahat.
In terms of exhibitions, maganda ang plano ng city government tulad ng sinabi sa amin ni Sir Toto na magkakaroon kayo ng international convention center tapos sasagutin din ninyo ang kakulangan ng mga pagkaing halal o Muslim friendly dahil ‘yun ang malaking market na hindi pa nakakapunta rito.
Dahil malawak ang pananaw ng buong [siyudad] para isulong ang MICE nakikita namin na magtatagumpay ang LGU kaakibat ang local stakeholders at ang bago nilang itinayong MICE alliance at ito ang magiging next destination ng MICE”.
Inirekomenda naman ni Anton Magpantay, maaaring simulan na rin ng lokal na pamahalaan ang paghikayat sa mga midyear conventions.
“At naririnig ko nga, you can hold as much as 4,000 delegates. So, ang dami n’yong potential na puwedeng magawa for the city.
Sir Toto is correct in doing this capacity building kasi as you receive more visitors then kailangan talaga mas marami pa tayong mai-apply na MICE principles, and hindi kami magsasawang bumalik dito,” positibong komento pa ni Magpantay.
Nag-iwan naman ng librong “Professional Event Management, A guide to Meetings, Incentives, Conventions, Exhibitions and Events ang Philippine MICE Academy sa City Tourism Office na makakatulong para sa pinapangarap na MICE Destinarion ng Puerto Princesa City. | via Clea G. Cahayag
📸 City Tourism Office