Ni Vivian R. Bautista
NAKUHA ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Rodriguez Bayron ang ika-pitong (7th) puwesto para sa ‘performance appraisal survey’ na pinangunahan ng RP-Mission and Development Foundation Inc o RPMD.
Ang alkalde ay nakalikom ng may kabuuang 73.38 porsiyentong rating mula sa 10,000 respondents.
Ayon sa RPMD, idinaan ang ‘poll’ sa 10,000 registered voters’ ng bawat distrito na nagsisiguro sa 95 porsiyento na taas ng kumpiyansa.
Ang regional survey para sa ‘Top City Mayors’ ng Region 4a at 4b ay isang bahagi ng pambansang poll na “RPMD’s Boses ng Bayan” na isinagawa mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 5, 2023.
Samantala, tiniyak ng foundation ang maayos na pamamaraan mula sa mga botante ng iba’t ibang distrito na may sampling margin error na ±1 porsiyento sa antas ng kumpiyansa na 95%.
Ang naturang ‘appraisal’ ay isinasagawa na nakasentro sa pitong ‘criteria’ na kinabibilangan ng paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan, kakayanang mag-isip ukol sa usaping pinansiyal, pamumuno sa pamahalaan, pagpapalago ng ekonomiya, pangangalaga sa kalikasan, inisyatibong panlipunan at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad.
Sa kabila dakong, binigyang-diin ni RPMD’s Dr. Paul Martinez ang malalimang kahalagahan ng malawakang pagtatasa.
Aniya, isa umano itong ‘constructive feedback mechanism’ upang kilalanin ang mahusay na pamumuno ng isang lider ng lungsod at mapukaw ang atensiyon ng mga mamamayan.
Nagsilbi rin itong paggabay sa mga alkalde para maipamalas ang kanilang maayos na pamumuno at pagpapalago ng kanilang propesyunal na katayuan sa lipunan.
Ayon pa kay Martinez, ang pagpili ay random at ang pagbabahagi ng mga respondents ay sumasalamin sa opisyal na datos ng demograpiko ng pagboto.