Photo courtesy | Puerto Princesa City Tourism Office

PALAWAN—Patuloy ang pag-arangkada ng lungsod ng Puerto Princesa bilang isa sa mga pinakamahusay na destinasyon para sa MICE o Meetings, Incentives, Conference , and Exhibitions tourism.

Umabot sa 812 meetings, conventions at seminars ang naisagawa at matagumpay na na-accommodate ng Puerto Princesa na nakapagtala ng 91,947 transient visitors sa buong taon ng 2024.

Maliban sa iniaalok na Eco-tourism, Sports tourism, at Cruise ship tourism, ang MICE tourism ay isang uri ng turismo na iniaalok ng Puerto Princesa na nagbibigay rin ng malaking benepisyo sa ekonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng pag-akit ng mga business travelers na rito na magsagawa ng kanilang seminars at conventions.

Ang Philippine Councilors League (PCL), Philippine Elementary School Principals Associations (PESPA), Central Philippines Expo 2024, Department of Agriculture 2nd National Cluster Summit, at iba pa ay ilan lamang sa mga malalaking aktibidad na isinagawa sa lungsod na tumulong pasiglahin lalo ang lokal na negosyo at transport sector sa lungsod.

Matatandaang pinaplano ni Mayor Lucilo R. Bayron na magtayo ng iba’t ibang convention centers na may seating capacity na aabot sa hanggang 30,000 para mag-host ng mga international events.

Inspirasyon ng mga planong ito ang mga grupo na may continuing education kaya’t nakitaan ng malaking potensyal ang MICE tourism na kinakailangan ng mas malaking venue para makapag-accommodate ng mas marami pang pagsasanay habang may pagkakataon din ang mga bisita na pumasyal sa iba’t ibang atraksyon sa lungsod.

Author