EL NIDO, Philippines—Nanguna ang Lungsod ng Puerto Princesa sa listahan ng fastest-growing highly-urbanized cities sa bansa, ayon sa 2023 economic performance ng Philippine Statistic Authority.
Batay sa resulta ng Provincial Product Accounts (PPA), nanguna ang lungsod mula sa 33 Highly Urbanized Cities (HUCs) sa Pilipinas na nakaranas ng economic growth noong 2023.
Nakapagtala ng 10.6 porsyentong pag-angat sa gross domestic products o GDP ang Puerto Princesa batay sa annual GDP growth rates ng Philippine Statistic Authority.
Kasama sa top 10 fastest-growing HUCs ang Iloilo City, Bacolod, Lapu-Lapu, Baguio, Lucena, Parañaque, Cebu City, Mandaue, at Lungsod ng Olongapo.
Nakapagtala naman ng tinatayang 9.23 trilyong pisong total GDP ang lahat ng HUCs sa bansa na nakapag-contribute ng kabuuang 43.8 porysento sa 2023 national GDP.
Samantala, sa ulat pa ng PSA, ang Quezon City at City of Makati lamang mula HUCs ang lumampas ng trilyong pisong GDP noong 2023.