Photo courtesy | Philippine Statistic Authority
PALAWAN, Philippines –Sa rehiyon ng MIMAROPA, nakitaan ng pinakamabilis na paglago ng ekonomiya ang lungsod ng Puerto Princesa noong taong 2022.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA, nakitaan ito ng 14.7 growth rate na sinundan ng lalawigan ng Romblon na may 9.8%, Oriental Mindoro na may 8.2 %, Occidental Mindoro na 5.5%, Marinduque na mayroong 5.4%, at Palawan na mayroong 1.4%.
Ayon pa sa ahensya, nakapagtala ang lalawigan ng Palawan ng 32.4 porsyentong pinakamalaking bahagi sa 392.96 bilyong pisong ‘total value of the region’s economy’ na sinusundan ng lalawigan ng Oriental Mindoro na mayroong 27.8%, Lungsod ng Puerto Princesa na may 13.5% at Occidental Mindoro na may 13.4 porsyento.
Ang lalawigan din ng Palawan ang may pinakamalaking bahagi sa 70.68 bilyong pisong “total value of agriculture, forestry and fishing of MIMAROPA’ na nakapagtala ng 41.5 porsyento. Pangalawa rito ang Oriental Mindoro na may 23.2 percent share at Occidental Mindoro na may 22.7 percent share.
Sa 133.86 bilyong pisong ‘total value of Industry in the region’, Palawan din ang may pinakamalaking bahagi sa bilang na 43.2%. Kasunod nito ang Oriental Mindoro na 28.2 porsyento habang 10.1 porsyentong bahagi ang lalawigan ng Occidental Mindoro.
Sa P188.42 bilyon ‘total value of services in the region’ noong 2022, ang Oriental Mindoro naman ang may pinakamalaking bahagi na may 29.3%, sinusundan ito ng Palawan na may 21.3%, at Puerto Princesa na may 21.2%.