PHOTO | PDEA PALAWAN PROVINCIAL OFFICE

Ni Clea Faye G. Cahayag

DUMATING sa lungsod ng Puerto Princesa nitong ika-4 ng Agosto si Assistant Secretary Renato A. Gumban, Deputy Director General for Operations (DDGO) of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasama sina PDEA MIMAROPA Regional Director Gil Cesario P. Castro, at PDEA Palawan Provincial Officer IA V Jeremy Carl L. Junio.

Sa kanilang courtesy visit kay Punong-Lungsod Lucilo Bayron, isa sa napag-usapan na target maging drug-free ang buong lungsod sa buwan ng Setyembre.

“Nag-courtesy visit din ang [Asec. Renato Gumban], Deputy Director General ng PDEA at malaki ang suporta nila sa pamahalaang lungsod, sa ating ungsod para mai-declare na rin ang lungsod ng Puerto Princesa na drug free at ang target ay September,” ang naging pahayag ng Alkalde matapos ang flag raising ceremony ng city government nitong araw ng Lunes.

Matatandaan sa isinagawang Third Regional Oversight Committee On Barangay Drug Clearing Deliberation sa rehiyon ng MIMAROPA mayroong tatlong (3) barangay sa Puerto Princesa ang naideklarang drug-free. Ito ay ang mga barangay ng Mandaragat, Tiniguiban, at Sta.Monica.

Ang Brgy. Mandaragat ay idineklarang drug-cleared habang ang Brgy. Tiniguiban at Brgy. Sta.Monica ay mga pawang nadeklarang drug-cleared on probationary status dahil sa kakulangan ng ilang dokumento na kailangan maisumite sa loob ng tatlumpung (30) araw. Dahil dito, pansamantalang naka-hold ang Certificate of drug-cleared barangay ng dalawang nabanggit na barangay hangga’t hindi pa naiko-comply ang mga kinakailangang dokumento.

Ayon pa sa PDEA Palawan Provincial Office, tatlumpu’t limang (35) mga barangays sa Puerto Princesa ang napanatili ang pagiging drug-cleared status, ang mga barangay na ito ay dumaan sa validation at inisyuhan ng Certificate of No Active Drug Personalities. Habang labing-isang (11) mga barangay ang napanatili rin ang kanilang drug-free status sa siyudad.

Author