Photo courtesy | DILG

Isa na namang karangalan ang nakamit ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron matapos mapabilang ang lungsod sa mga kinilalang Subaybayani Awardee 2024.

Ang Subaybayani Award ay iginagawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang pagkilala sa pagsusumikap ng mga Local Government Units (LGUs) at DILG Regional Offices (Ros) sa epektibong pagpapatupad at pagsubaybay sa mga proyekto na pinondohan ng lokal na pamahalaan, na mahusay na natatapos at may transparency.

Ayon sa DILG, layunin ng nasabing programa ng pagkilala na itaguyod ang transparency, accountability, at participative governance.

Ang bawat rehiyon ay mayroong awardees na binubuo ng provincial level, city level, municipal level at DILG Regional Offices.

Nakasulat naman sa Subaybayani Award, “In recognition for its outstanding performance in promoting excellent infrastructure governance and meaningful change, accelerating the growth of resilient communities and building the foundation of a Matatag, Maginhawa, at Panatag na buhay for all Filipinos.”

Author