PHOTO | PRO MIMAROPA

Ni Ven Marck Botin

ARESTADO ng mga awtoridad ang 37-taong gulang na lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng pinaghihinalaang shabu sa Barangay San Manuel, nitong araw ng Linggo, ika-3 ng Setyembre.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office Region 4B, ang suspek ay kabilang sa listahan ng pulisya bilang illegal-drugs street-level individual na kinilalang si Johffer Garcillano Ocampo.

Si Ocampo ay nasakote sa Purok Pinagpala, Moreno Village sa lungsod ng Puerto Princesa, bandang alas singko nang hapon.

Ayon pa sa ulat, ang suspek ay naaktuhang nagbebenta ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu sa halagang 1,500.00 pesos.

Si Ocampo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Republika 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.