Ni Ven Marck Botin
PATAY ang isang radio broadcaster sa Calapan City, Oriental Mindoro matapos barilin ng riding-in-tandem kaninang madaling araw.
Sa ulat, sinabing magbubukas ng tindahan ang biktima dakong alas-kuwatro-y-midya (4:30) ng madaling araw nang pagbabarilin sa dibdib na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.
Ayon sa Pola News Network RTVM, namatay ang biktima sa mismong crime scene dulot ng dalawang tama ng bala sa kanβyang dibdib.
Kinilala ang biktimang si Cris Bundoquin, 50-anyos, nagmamay-ari ng MUX Online Radio sa Lungsod ng Calapan at kasalukuyang host ng programang βBalita at Talakayanβ.
May programa rin ang biktima sa DWXR 101.7 KALAHI FM sa Calapan na may kapareho ring program title, ayon sa ulat ng News Network sa lugar.
Si Bundoquin ay kritiko ng mabagal na tugon ng gobyerno sa mga naapektuhan ng oil spill sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Samantala, patay rin ang gunman pero nakatakas naman ang driver ng motorsiklong ginamit sa krimen.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Calapan City Police Station.