Photo courtesy | Screengrabbed Photo/ Raine Bayron Facebook
Ni Marie F. Fulgarinas
PALAWAN, Philippines — Pinabulaanan ni Puerto Princesa City Councilor Raine Bayron ang pahayag ni Second District Representative Jose Chavez Alvarez kaugnay sa isyu ng pagsira ng ipinadalang bulaklak sa burol ng yumaong Kongresista Edward Solon Hagedorn.
Sa Facebook post, inihayag ng konsehala ang kaniyang panig hinggil sa isyu na kinasasangkutan nito.
“Excuse me po wala akong hinarang sa kahit na anong program sa burol ni [Late Cong. Edward Solon Hagedorn] at lalong lalo na wala akong tinapon or inapakang bulaklak galing kung kanino man,” pahayag nito.
“Ang inayos at plano na ginawa ko ay ang transfer from cathedral to skylight program sa mismong libing, funeral procession, coordination sa [PPNP, WESCOM] at iba pa,” dagdag ng konsehala.
“Uulitin ko WALA AKONG HINARANG NA PROGRAM/PIC AT LALONG WALA AKONG TINAPON/INAPAKANG BULAKLAK! Lahat ng action na ginawa ko sinasabi ko at [pinagpapaalam] ko kay Aunt Ellen, Tikay at [C]link [kasi]sila ang may final say sa lahat. Puwede ninyo [tanungin] ang immediate family kung ginawa ko [‘yon].
Samantala, kinukumpirma ng
Repetek News
ang nasabing Facebook post.