Photo courtesy | Radyo Pilipinas
Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — Pasado sa environmental assessment ng isang independent assessor ang Pasay 360 reclamation project ng city government at joint venture nito, ayon kay Nueva Ecija Representative Ria Vergara matapos sagutin ang mga bali-balitang pagkabahala sa environmental impact ng proyekto sa Manila Bay kabilang ang nabanggit na lungsod.
Sa balita ng Radyo Pilipinas, ipinunto ni Vergara ang isyu ng climate change at pananalasa ng mga malalakas na bagyo sa bansa na posibleng magdulot ng malawakang pagbaha sa baybayin ng kamaynilaan.
Ayon naman kay Glenn Ang, pangulo ng SM Smart City Infrastructure and Development Corporation, na kabahagi ng joint venture ng proyekto, suportado aniya ng iba’t ibang pag-aaral ang naturang proyekto.
“We’d like to assure the honorable Congressman Vergara that all of the studies have been prepared, everything….the DENR is working now [on] the cumulative impact of all of the other reclamations it built altogether. And we’re very much open to all of these,” ani Ang.
Sinabi naman ni Pasay City Administrator Peter Manzano, ang proyekto ay nakakuha umano ng clearances mula sa dalawampung (20) ahensya.
Aniya, pasado rin ito sa ginawang quarterly environmental monitoring ng multi-agency at multi-sectoral independent body o MMT. Binigyang-diin din ni Manzano na huwag mangamba na ang proyekto ay magdudulot ng pagbaha.
Ani Manzano, idinesenyo ang reclamation project na may apat (4) na meter elevation, matibay na seawalls, at wala ring blockage sa waterways. Magsisilbi rin umano itong proteksyon ng lugar mula sa storm surges o tsunami.