PUERTO PRINCESA CITY — Tiyak na merry ang Christmas ng mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod ngayong kapaskuhan dahil tatanggap ng PHP20,000.00 one time Service Recognition Incentive (SRI) ang mga regular employees habang PHP5,000.00 gratuity pay ang makukuha ng mga eligible job order at contract of service employees, batay sa resolusyon na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod nitong Disyembre 4.

Ang 20,000 pesos na SRI ay manggagaling sa pondo ng Fiscal Year 2023 savings in personal services ng bawat opisina ng city government habang ang 5,000 pesos na gratuity pay ay kukunin sa available savings ng FY ’23 Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE ng lahat ng tanggapan, programa, proyekto at activities ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa.

Lubos na ikinasaya ng mga regular employees ang resolusyon matapos itong maaprubahan sa Sangguniang Panlungsod. (via Marie Fulgarinas)

Author