PHOTO | PPCWD MAIKA R. QUILISADIO

Ni Clea Faye G. Cahayag

NAKATAKDANG gawing mga regular na manggagawa ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) ang kanilang mga natitirang job order employees bago magtapos ang taong 2024.

Ayon kay General Manager Walter Laurel, ang tanggapan ng PPCWD ay mayroong tatlundaang (300) regular na mga manggagawa at higit isandaang (107) Job Order employees.

“As of now, we have 300 regular employees. There is a program ng ating national government ‘yung ENDO [o] End of Contractualization. By December 31, 2024, bawal na po magkaroon ng job order employees sa water district,” pahayag ni Laurel sa Kapihan with the Media nitong araw ng Biyernes, Agosto 18.

Aniya, bago lamang inaprubahan ang kanilang staffing pattern at pagkatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Election o BSKE 2023 ay agad nilang ipoproseso ang regularization ng mga job order sa kanilang tanggapan.