INILUNSAD ng Philippine Statistics Authority (PSA) Palawan ngayong buwan ng Setyembre sa dalawang child development center sa lungsod ng Puerto Princesa ang “Rehistro Bulilit Campaign”.
Layunin nito na iparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) ang mga batang isa hanggang apat na taong gulang.
“The Palawan Provincial Statistical Office of the Philippine Statistics Authority Palawan launches the “Rehistro Bulilit Campaign”, a National ID Registration for one to four years old at Brilliant Child Development Center in Barangay Maunlad and at Mutya Child Development Center in Barangay Masipag, both in Puerto Princesa City.
The campaign targeted the mentioned age group to be registered in the Philippine Identification System (PhilSys). The registration of children one to four years old can be initiated through sequential registration in any PhilSys Registration Center,” ayon sa PSA Palawan.
Sa pagpaparehistro, tanging ang demographic information at front-facing photograph lamang ng mga bata ang kokolektahin. Kinakailangan din na ang magulang o guardian na kasama ng bata ay isang ‘PhilSys-registered’.