Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Tuloy-tuloy pa rin ang pagkalap ng tulong ng tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa mga biktima nang naganap na sunog sa Quito at Barangay San Miguel, kamakailan.

Ayon sa tanggapan ng Palawan 3rd District Caretaker, dumating sa Lungsod ng Puerto Princesa ang nasa 250 balde ng relief goods nitong Lunes, Pebrero 19, mula sa mga donasyon ng non-profit organization at Next Gen.

Bukod pa rito, inaasahan din ng opisina ang pagdating ng karagdagang 920 relief packs mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Author