Ni Marie Fulgarinas
Patuloy ang pagdagsa ng tulong sa mga rescued dogs at cats ng Nativity’s Stray Animals Rescue Shelter mula sa mga indibidwal at iba’t ibang organisayon sa loob at labas ng Lungsod ng Puerto Princesa.
Sa latest Facebook post ng foundation, nagpapasalamat ito sa mga taong tumutulong para maisakatuparan ang mga pangangalaga sa mga aso’t pusa na sinagip sa mga lansangan sa lungsod.
“[We] would like to say [m]araming salamat po (Thank you so much) to Fundacja Centaurus POLAND, Centaurus Foundation, [a]nd to the [CEO] president of [Centaurus Foundation], Maam Ewa,” pahayag ng organisasyon.
“We have been blessed by these amazing people. They have send their love, care, and support for our resident rescued strays and this is a big step to improve their overall health and body.”
“We really appreciate it and we are thankful from the bottom of our hearts. May God Bless you more with good health and happiness. We also want to thank Animal Activist Jaja Nis (janice) for finding us,” saad ng organisasyon.
Samantala, bukas namn ang pamunuan ng Nativity’s Stray Animals Rescue Shelter sa sinumang gustong magpaabot ng tulong pinansiyal, pagkain, gamot, bitamina, at iba pa na pangunahing pangangailan ng mga rescued animals.
Ang naturang organisayon ay itinatag ni Binibining Mary Carina M. Cervantes na layong tulungan ang mga stray animals sa lungsod ng Puerto Princesa.