PHOTO || CGS NORTHERN PALAWAN

Ni Vivian R. Bautista

NAGSAGAWA ng rescue operations ang mga tauhan ng Coast Guard Station Northern Palawan sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Corong-Corong, bayan ng El Nido, Palawan nitong ika-13 ng Hulyo 2023, ganap na alas 9:00 ng gabi.

Katuwang ng CGS-Northern Palawan ang K9 Team Northern Palawan at MDRRMO
na mabilis na tumugon sa nasabing insidente gamit ang kanilang pinagsamang kaalaman at mga kagamitan sa pagliligtas ng buhay.

Agad namang dinala sa ligtas na lugar ang mga residenteng na-stranded at naapektuhan ng pagbaha, at ang ilan ay inihatid sa kani-kanilang mga kamag-anak na nasa ligtas na lugar.

Higit pa rito, pinapayuhan ang lahat na magsagawa ng mga hakbang sa pag-iingat lalo na sa mga ganitong may sama ng panahon, batay sa ulat sa Facebook ng CGS-NORTHERN Palawan.