(Kuhang larawan / Provincial Information Office (PIO) ng Palawan)
PUERTO PRINCESA CITY —Dahil umano sa nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga mamamayang nakararanas ng pagkagutom at maaaring pagkaubos ng mapagkukunan ng pagkain, isinusulong ni Palawan Board Member Ariston D. Arzaga, Chairperson ng Committee on Agriculture and Aquatic Resources, ang pagkakaroon ng Rice Industry Development Program Plan kaugnay sa food sufficiency and security program ng pamahalaan.
Sa privilege speech ng bokal sa regular sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Nobyembre 14, mas lubos diumano na naaapektuhan ang mga nasa laylayan o mas nakararanas ng kahirapan sa buhay.
“It is sad to share that the national Social Weather Survey Second Quarter study, found that 10.4 percent of Filipino families experienced involuntary hunger – being hungry and not having anything to eat. This hunger afflicts the poorest people. While poorest rely upon agriculture for income and sustenance, they are particularly vulnerable to extreme weather conditions and the destruction caused by natural disasters. The World Food Programme (WFP) estimates that 25% of agricultural households in the Philippines suffer from food insecurity, a percentage substantially higher than the 9% of non-agricultural Philippine households…” ani Arzaga.
Kaya dahil dito, nais ng bokal na magkaroon ang lokal na Pamahalaan ng Palawan ng isang comprehensive contingency plan o Rice Industry Development Program Plan na tututok sa kapakanan ng mga magsasaka sa bansa at mapalakas ang agricultural production sa Pilipinas.
Binanggit din ng bokal ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa hinggil sa maaaring maging epekto ng El Niño, ang usapin ukol sa food inflation, at kung paano mapapalakas ang lokal na produksiyon ng bigas upang hindi na umasa sa ibang bansa o mag-import pa nito.
(Kuhang larawan sa palayan ng bayan ng San Vicente, Palawan, nitong nakaraang buwan ng Oktubre.)
“The world’s population is growing rapidly. We are depleting natural resources too much. Production. of food must be more efficient and sustainable without compromising the quality of the food,” dagdag ni Arzaga. Aniya, ilan sa mga pangangailangan ng mga magsasaka upang makarating sa mga konsumer nang maayos ang produkto ay ang pagkakaroon ng sapat na makinarya, maprotektahan ang tanim sa peste at sakit, at maayos na transportasyon upang makarating sa mga pamilihan.