Contributed photo

Nakatengga pa rin ang road construction project ng Pamahalaang Bayan ng El Nido sa bahagi ng Rizal at Real Street.

Ayon sa mga residente, malaking perwisyo na sa mga motorista, negosyante, at turista ang maputik na daanan na animo’y tsokolate sa tag-ulan. Anila, sobrang alikabok din kapag tag-init kaya panawagan ng mga ito, tapusin na ang proyekto sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa ng ilang concerned citizen, hindi umano maganda sa karanasan ng mga turistang dumarayo sa lugar na makikita ang kasalukuyang estado ng ilang makipot at maputik na daan sa sentro ng bayan ng El Nido, Palawan.

Author