ALAM niyo ba na ang Rosaryo ay itinatag mismo ng Mahal na Birheng Maria, ayon sa tradisyong Katoliko.
Noong ika-13 siglo, siya ay sinasabing nagpakita kay St. Dominic (tagapagtatag ng mga Dominicans), binigyan siya ng rosaryo, at hiniling sa mga Kristiyano na magdasal ng Aba Ginoong Maria, Ama Namin at Luwalhati maging mga panalangin sa halip na mga Awit.
Kasama ang krus at ang mga banal na holy water font, ang maliliit na butil na bumubuo sa Rosary beads ay isa sa pinakapamilyar at kinikilalang simbolo ng Katolisismo.
Ang pangunahing tungkulin ng mga butil ng rosaryo ay ang pagbilang ng mga panalangin, ang mga panalangin na binibilang sa mga butil ng rosaryo ay sama-samang kilala bilang rosaryo.
Layunin umano ng Rosaryo ay tumulong na panatilihin sa alalala ang ilang mga pangunahing kaganapan o misteryo sa kasaysayan.
Mayroong dalawampung misteryo na makikita sa Rosaryo, at ang mga ito ay nahahati sa limang pangunahing misteryo na tumutugma sa limang dekada ng rosaryo.
Limang Joyful Mysteries ang dinadasal tuwing Lunes at Sabado. Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay may kinalaman sa kapanganakan ni Kristo.
Limang Luminous Mysteries ang inaalala tuwing Huwebes na pinasimulan ni Pope John Paul II noong taong 2002.
Ang Limang Misteryo ng Kapighatian ay nauugnay sa pagdurusa at kamatayan ni Hesus at ginugunita ito tuwing araw ng Martes at Biyernes.
Ang Limang Maluwalhating Misteryo ay nagpapaalala sa mga mananampalataya sa muling pagkabuhay ni Hesus at sa mga kaluwalhatian ng langit at ipinagdarasal tuwing Miyerkules at Linggo.
Bagama’t iba’t ibang mga panalangin ang maaaring gamitin sa pagrorosaryo, isang selekyon ng karaniwang mga panalangin ang kadalasang ginagamit. Ang mga ito ay Apostle’s Creed, Our Father, Aba Ginoong Maria at Kaluwalhatian.
Ang isang dekada ay binubuo ng isang Ama Namin, sampung Aba Ginoong Maria at isang Kaluwalhatian.
Mayroong 59 na butil sa isang Rosaryo, pamilyar din tayo sa mga larawan na makikita sa mga simbahan at ang Rosaryo na nakasabit sa kanilang pulso.
Tunay na sila ay isang simbolikong kayamanan ng Katolisismo at isang bagay na nananatili sa iyo sa buong buhay mo na ibinibigay sa atin na kasing-aga ng aring unang komunyon.