Photo courtesy | Pinky Duenas

PALAWAN, Philippines — Ipinagdiwang nitong Setyembre 13, araw ng Biyernes, ang ika-15 taong anibersaryo ng Rotary Club of Puerto Princesa Central sa pangunguna ni District Precious Irresistible President (PIP) Asuncion N. Pilapil.

Ang aktibidad ay sinimulan sa pamamagitan ng isang misa sa mismong bahay-sambahan ng Immaculate Concepcion Cathedral na sinundan naman ng motorcade mula Cathedral patungong Balayong park.

Liban dito, nagkaroon din ng isang maiksing programa ang mga kasapi ng Rotary Club kabilang ang exhibit activity sa SM Mall ng lungsod ng Puerto Princesa.

Nakiisa sa kaganapan sina Prescious Irresistible District Governor Prescy Yulo at Chapter President Amie Amelita Galang Lustre kasama ang mga Precious Irresistible District Officers , Precious Irresistible Presidents at Rotarians.