Photos Courtesy | Facebook/Pedrography

Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Naiuwi nina Ginoong Kevin Rzucido at Binibining Arlyn Ami Hambali ang titulo ng Puerto Princesa Baywalk Bodies 2024 nitong gabi ng Biyernes, Abril 12.

Mula sa dalawampung mga kalalakihan at kababaihan, hinirang na big winners sina Rzucido at Hambali.

Sa kaparehong kategorya, itinanghal namang runners-up ng Baywalk Bodies 2024 sina Ginoong Angelo Magallanes, Binibining Alyssa Austria, G. Gerald Gane, at Bb. Emerlyn Traballo.

Photos Courtesy | Facebook/Pedrography

Ang nasabing patimpalak ay ginanap sa Puerto Princesa City Baywalk hatid ng tanggapan ng Palawan 3rd District Office, Pamahalaang Panlungsod, Puerto Princesa Tourism, at RBE Events alinsabay sa pagdiriwang ng 28th Pangalipay sa Baybay.

Ito rin ang isa sa pinakaaabangang programa ng mga taga-lungsod tuwing ipinagdiriwang ang Pangalipay sa Baybay.

Author