TUTUTUKAN ni Mayor Lucilo R. Bayron ang expansion ng sabang wharf na pangunahing daungan papunta sa pamosong Puerto Princesa Underground River (PPUR).
Ito ay bahagi ng kaniyang strategic planning na kung saan ninanais ng alkalde na magbigyan pa ng panibagong tatlong taong panunungkulan sa Puerto Princesa upang pagtuunang pansin ang turismo na pangunahing industriya ng lungsod.
Mas maraming mga bisita ang maaaring maka-access ng PPUR araw-araw sa pamamagitan ng expansion ng sabang wharf para sa mas mabilis at mas epektibong pagpapasakay at pagbaba ng mga turista.
Tumatanggap ang nasabing daungan ng daan-daang bisita araw-araw, kaya’t nilalayon itong lakihan pa bilang napakahalagang access point papunta sa UNESCO World Heritage Site.
Bukod dito, plano rin magtayo ng passenger terminal upang magkaroon ang mga turista ng komportableng lugar at mapabuti ang kanilang karanasan.
Gayundin ang planong pagsasaayos ng jungle trail na nakikitang alternatibong paraan patungo sa Underground River. Sa pamamagitan din nito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga turista na matuto tungkol sa mga buhay-ilang, at magkaroon ng karagdagang kasiyahan sa kanilang adventure activities tulad ng hiking sa jungle trail.
Samantala, sumailalim sa occular inspection ng mga opisyales ng Pamahalaang Panlungsod ang sabang wharf nitong ika-29 ng Enero, taong kasalukuyan.
Nakatuon ang isinagawang pag-inspeksyon sa pagtatasa ng kalagayan ng daungan at pagtukoy ng mga potential improvements upang mapataas ang karanasan ng mgaa bisita at mapagaan ang operasyon.